Wednesday, July 2, 2008

ice castles

isa siya sa mga binabalikbalikan ko sa manila. ang lalaki na kahit ilang ulit ko nang sinabihan ng "i love you," at naging biktima na ng aking mga mahahalay na kamay, ay hindi pa rin lumalayo.

kaibigan daw kasi...cute, kamukha ni bamboo, at stud muffin ang tawag ng aking mga kasama na nakakita na sa kanya. sabi nga lang nila bulag daw ako. bet kasi nilang verde rin ang dugo niya.

ako naman kebs. alam ko kasing straight siya (yez, deep in the kaibuturan ng aking self, feel ko yun). i know. at masaya naman ako (ok, may konting pagseselos) na sa wakas ay ikakakasal na siya.

kasi sa dinami-dami ng kanyang mga naging gelfren (two and even three timer kasi dati si wapo, not counting us. choz!), sa wakas nakahanap na rin siya ng gusto ko.

i mean, yung sa tingin ko ay pepwedeng ipalit sa akin sa harap ng altar (hikbi). hate ko kasi yung mga dating gels niya dahil (no offense ah) sa tingin ko ang papanget nilang lahat (yung tipong pagtinanong sa'yo kung "maganda ba?" ang isasagot mo ay "yeah, she's nice.")

pero itong huli, maloka-loka akesh dahil hawig ni lucy torres ang fota.  super hinhin, maputi, maganda, pero nagdradrag racing. as in join siya sa mga karung humaharurot dati sa white plains.

kaya feeling ko wala na akong mailalaban pa ate charo. tuloy, ako na rin mismo ang nahihiya. at lumalayo. sabi kasi ni bestfren, medyo pinnagseselosan daw akesh. naging medyo madalang na nga kaming lumabas simula nang naging sila (from every week to once or twice every other month na lang) dahil ayaw ng bilat na magkasama kami ng kanyang mapapangasawa (hikbi ulet).

pero honestly, wala na sa akin yun (and i can say that with a straight face, ngayon). natuyo na ang datiy mga rumaragasang ilog na nabuo ng aking mga walang patid na luha (choz!).

what is past is past ika nga. tinuldukan ko na ang chapter na itu ng aking pagdadalaga (tanggap ko na rin na hindi na magkakatotoo yung pangarap dati ni bestfren na titira lang kami sa isang compound, he with his family in one apartment at akesh naman....)

pero, ngayong babalik na ako sa manila....papaano na kaya? sabi ni bestfren, pwede kaming lumabas pagsabado dahil may trabaho si lucita...lalabas kami ng hindi niya alam...ako naman, sige, masaya rin naman kasi akesh pag kasama si....

pero may agam-agam din si ako, lalo na feeling ko yung mga kinakanta ni bestfren ay may mga pahiwatig (tulad ng cover niya ng "somewhere down the road." hindi lang kasi yun). at lagi siyang nagkru-krus kapag kasama akesh (anovah!), lalo na kapag ihahatid na niya ako pauwi sa kanyang karu, (feeling niya siguro baka may mangyare!) jusko.

ayaw ko yatang maging the other woman...i have my principles (anu daw?). i know marami sa mga vekvek ang gusto ay mga daddy-daddy, pero tingin ko kase paghumantong sa ganuong situwayshen, maininlove ulet akesh sa kanya. aasa. at sa huli ay....

....naaalala ko nung high school pa kami....kinakantahan niya ako nun sa telepono nung theme song ng pelikulang ice castles, yung "looking through the eyes of love" (yes bakla, hindi ako nagbibiro).....hanggang sa matunaw ang mga ice castles at dumanak ang aking mga luha......

marami ng nasawi sa mga baha sa pilipinas ate charo, ayoko ng makadagdag pa. sabi niya nuon, gusto daw niya akong maging bestman sa kanyang kasal (o kung pwede pa nga raw bestgay eh). pero sa tingin ko ngayenz hindi na yun mangyayari. at hindi iyon dahil magsusuot ako ng gown na yellow (sign daw ito ng jealousy) sa araw ng kanilang pag-iisang dibdib.

tanggap ko na, hanggang ice castles lang ako....but....but please, don't let this feeling...

No comments: