Monday, December 8, 2008

ang kapatid ng magnanakaw

nung una pa lamang ay binalaan na ako tungkol sa kanya, pero ngayon ko lang napagtagpi-tagpi kung paano gumalaw ang ahas.

nakakatuwa pagminsan ang mga taong nagsisinungaling sayo lalo na kung pina uunlakan mo ang kanilang mga kasinungalingan. 

nakikita mo na ang kanilang mukha sa ilalim ng maskara pero sila patuloy pa rin sa kanilang pag-arte na parang hindi mo pa natutukoy ang kwento at kung ano ang kanyang patutunguhan.

alam mo na naman kasi ang kwento dahil ilang ulit mo na rin itong nasaksihan. manghihinayang ka nga lang dahil, sa mga naunang palabas na iyong nasubaybayan, bihasa sa inggles ang mga ahas.

dito hinde.

 

2 comments:

kokoi said...

wow. i wish i know what you're talking about here. seems interesting!

karla said...

thank you for visiting koi. the story's still on going. i hope i can blog bout it again soon. with more details. hehe.