Tuesday, February 12, 2013

postscript

"tama na yung minsan ay naging tayo..."

muntikan akong maiyak sa jeep kanina nang makita kong ginuguhit ng isang dalaga sa kanyang cellphone ang mga katagang ito.

sa lahat ba naman ng araw, ngayon pa ako makakasilip ng text message na bagay na bagay para sayo.

isang taon, apat na buwan, at 15 araw. hindi ko inaasahang ganito ang ating kahihinatnan. nabulag mo nga ako sa iyong mga pangako. at ang nakadagdag pa ay kaibigan ko pa ang susulot sayo.

hindi ko alam kung tatawa ba ako ng malakas o iiyak nang makumpirma ang mga pinaggagawa mo. tumungga na lamang ako ng alak at pilit na lumimot sa gitna nga delubyo.

paalam.



No comments: