have a happy life.
nabigla ako nang sabihin niya ang mga salitang ito ng nakayuko at may konting poot sa kanyang boses.
i’ve written in these pages that the men of my dreams usually show up in my narrative when a chapter is about to close. pero kaiba siya. dumating siya 15 minutes before take off.
i was having my feet massaged by this machine sa changi aiport nang una ko siyang masilayan. something about those mesmerizing eyes of his caught my attention while he was walking down the hallway.
puti siya. may hitsura. and for a few seconds, our eyes met and would not let go.
pero kailangan kong bumitaw dahil kasama ko ang mga straight na kaopisina na nagpapamasahe rin. five minutes later, bumalik si wafu. umalis na ang aking kaupisina at pamasok na sa departure area.
napatigil siya malapit duon sa massage machine na aking kinauupuan at nagtagpo ulit ang aming paningin. bata pa siya. mga early 20s siguro.
lumapit siya at umupo sa aking tabi sabay labas ng tsokolate at nagsabing: “want some?”
hindi talaga ako magaling sa introductions.
“oh. no, thanks,” sabi ko sabay ngiti. Uuuuggggghhhhh.
“how do you turn this on?”
ako naman pinakita sa kanya at pinindot ang mga dapat pindutin.
pranses pala siya at nag-aaral sa singapore. papunta siya ng beijing para magbakasyon. connecting flight through manila…konting kwento-kwento pa…
“isn’t it cold now in beijing?” tanong ko.
“yeah, but that’s ok…i hope they also have these machines in manila,” sabi niya.
“i don’t think so,” sabi ko sabay tingin sa mga kasama kong nag aayos na ng gamit sa loob ng departure area para pumask na sa eroplano.
“there’s still much time…,” sabi niya.
pero tumigil na ang makina sa aking mga paa at kaunti na rin ang nakapila sa xray at metal detectors papasok ng departure area. sa loob, naghihintay na rin ang iba kong kasama.
“i have to go,” sabi ko sabay ngiti, tayo at dampot sa aking carry-on bag.
at duon nabanggit niya ang mga salitang: “have a happy life.”
napalingon ako sa kanya dahil may poot akong naalinigan sa kanyang boses. at sabihan ka ba nman ng ganun. pero pagtingin ko ay nakayuko na siya. dumeresto ako sa pila papasok sa departure area.
later on, pumasok din siya at nakita kong may naghihintay din sa kanya sa loob. blondie na pechay.
hindi na muli nagtagpo an aming mga tingin.